|
||||||||
|
||
Sa kanyang pagdalo ngayong araw, Biyernes, ika-10 ng Nobyembre 2017, sa Da Nang, Biyetnam, sa 2017 APEC CEO Summit, bumigkas ng talumpati si Pangulong Xi Jinping ng Tsina, na may pamagat na "samantalahin ang pagkakataong dulot ng transisyon ng kabuhayang pandaigdig, at pabilisin ang pag-unlad ng Asya-Pasipiko."
Sa talumpati, iniharap ni Xi ang 4 na mungkahi para sa pagpapaunlad ng kabuhayang pandaigdig. Una, igigiit ang bukas na kabuhayan, at isasakatuparan ang mutuwal na kapakinabangan at win-win na resulta. Ikalawa, pasusulungin ang paglaki batay sa inobasyon, at gagalugarin ang bagong lakas sa pag-unlad. Ikatlo, palalakasin ang inter-connectivity, at isasakatuparan ang komong pag-unlad. At ikaapat, pag-iibayuhin ang inklusibong pag-unlad ng kabuhayan, at ihahatid sa lahat ng mga tao ang bunga ng pag-unlad.
Ipinagdiinan niya na dapat patuloy na pasulungin ng iba't-ibang panig sa rehiyong Asya-Pasipiko ang inobasyon, dapat buong tatag na palawakin ang pagbubukas sa labas, dapat aktibong isagawa ang inclusive development, at dapat ding walang humpay na payamanin ang nilalaman ng partnership upang mapasulong ang bagong round ng kaunlaran at kasaganaang pandaigdig.
Tinukoy ni Pangulong Xi na nitong tatlong taong nakalipas, unti-unting umaahon ang kabuhayang pandaigdig, at lumalakas din ang kompiyansa ng iba't-ibang panig. Dapat aniyang magkakasamang umaksyon ang iba't-ibang panig ng rehiyong Asya-Pasipiko upang mapasulong ang bagong round ng kaunlaran at kasaganaang pandaigdig.
Binigyang-diin din ni Xi, na isasabalikat ng Tsina ang sariling mga responsibilidad, bilang ikalawang pinakamalaking ekonomiya ng daigdig.
Salin: Liu Kai
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |