Nagtagpo kagabi, Lunes, ika-13 ng Nobyembre, sa Manila, sina Premyer Li Keqiang ng Tsina, at Pangulong Moon Jae-in ng Timog Korea.
Binigyan ni Li ng positibong pagtasa ang mabilis na pag-unlad ng relasyon at kooperasyon ng Tsina at T.Korea, nitong 25 taong nakalipas, sapul nang itatag ang relasyong diplomatiko. Sinabi niyang, sa kasalukuyan, narating ng dalawang bansa ang komong palagay hinggil sa paghawak ng isyu ng pagdedeploy ng Terminal High Altitude Area Defense (THAAD) system. Umaasa aniya siyang, patuloy na gagawin ng panig T.Koreano ang tumpak na pagsisikap, para alisin ang hadlang sa pag-unlad ng relasyon ng dalawang bansa, at igarantiya ang pagtahak ng relasyong ito sa tamang landas.
Ipinahayag naman ni Moon ang kahandaan ng T.Korea, na magsikap kasama ng Tsina, para panumbalikin ang pagtitiwalaang putilikal at kooperasyon sa kabuhayan at kalakalan, at pasulungin ang normalisasyon ng relasyon ng dalawang bansa.
Salin: Liu Kai