Beijing-Nakipag-usap Nobyembre 2, 2017 si Yang Jiechi, Kasangguni ng Estado ng Tsina sa dumadalaw na dating Punong Ministro ng Timog Korea na si Lee Soo Sung.
Sa pag-uusap, inilahad ni Yang ang kalagayan ng 19th CPC National Congress. Ipinahayag ni Yang na pinahahalagahan ng Tsina ang pakikipagtulungan sa Timog Korea. Umaasa aniya siyang maayos na hahawakan ng T. Korea ang isyung may-kinalaman sa Terminal High Altitude Area Defence (THAAD). Nakahanda aniya ang Tsina na magsikap, kasama ng T. Korea para pangalagaan ang kapayapaan at katatagan ng Peninsula ng Korea at rehiyon ng Hilagang-silangang Asya.
Ipinahayag naman ni Lee ang pagbati sa tagumpay na natamo ng 19th CPC National Congress. Ipinahayag niyang pinahahalagahan ng Timog Korea ang pakikipagtulungan sa Tsina. Nakahanda aniya ang kanyang bansa na gumawa ng ambag para ibayo pa pasulungin ang pagpapalitan at pagtutulungan ng dalawang bansa.