|
||||||||
|
||
Ayon sa ulat, muling kinikilala ng kapwa panig ang prinsipyo hinggil sa pagsasakatuparan ng walang-nuklear na Korean Peninsula, at mapayapang paglutas sa isyung nuklear ng peninsula. Inulit din nilang patuloy na tatahak sa mga paraang diplomatiko.
Ipinahayag ng panig T.Koreano, na alam nila ang posisyon at pagkabahala ng panig Tsino sa isyu ng pagdedeploy ng Terminal High Altitude Area Defense (THAAD) system. Nilinaw nitong ang pagdedeploy ng THAAD sa T.Korea ay hindi nakakatuon sa ikatlong panig, at hindi makakapinsala sa interes sa seguridad ng Tsina.
Inulit naman ng panig Tsino ang pagtutol sa pagdedeploy ng THAAD sa T.Korea, at umaasa itong maayos na hahawakan ng panig T.Koreano ang isyung ito.
Sinang-ayunan din ng kapwa panig, na tatalakayin pa ang isyung ito, sa pamamagitan ng tsanel ng mga tropa ng dalawang bansa.
Pagdating naman sa relasyong Sino-T.Koreano, ipinahayag ng kapwa panig, na ang pagpapalakas ng pagpapalitan at pagtutulungan ng dalawang bansa ay angkop sa kanilang komong interes. Sinang-ayunan nilang panunumbalikin, sa lalong madaling panahon, ang pagpapalitan at pagtutulungan sa iba't ibang larangan, sa normal na landas.
Salin: Liu Kai
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |