Kinatagpo ngayong araw, Martes, ika-14 ng Nobyembre 2017, sa Vientiane, Laos, si Pangulong Xi Jinping ng Tsina, ni Pany Yathotou, Presidente ng Pambansang Asembleya ng Laos.
Sinabi ni Xi, na sa kanyang pagdalaw na ito sa Laos, ang isa sa mga pangunahing bunga ay pagkakaroon ng komong palagay hinggil sa pagpapasulong ng komprehensibo at estratehikong kooperasyon ng dalawang bansa sa bagong panahon, at pagtatatag ng komunidad ng pinagbabahaginang kapalaran na may estratehikong kahalagahan. Binigyan din ni Xi ng positibong pagtasa ang ambag na ibinigay ng Pambansang Asembleya ng Laos sa pag-unlad ng relasyong Sino-Lao.
Ipinahayag naman ni Pany, na mahalaga ang kooperasyong Lao-Tsino para sa pag-unlad ng Laos. Nakahanda aniya ang Pambansang Asembleya ng Laos, na patuloy na magsikap para pasulungin ang relasyon at kooperasyon ng dalawang bansa.
Salin: Liu Kai