Kinatagpo ngayong araw, Martes, ika-14 ng Nobyembre 2017, sa Vientiane, Laos, si Pangulong Xi Jinping ng Tsina, ni Thongloun Sisoulith, Punong Ministro ng Laos.
Sinabi ni Xi, na dapat panatilihin ng Tsina at Laos ang madalas na paggagalagayan sa mataas na antas, pabilisin ang konstruksyon ng economic corridor ng dalawang bansa, pasulungin ang kooperasyon sa mga pangunahing aspekto, at pahigpitin ang pagkokoordinahan at pagtutulungan sa mga multilateral na plataporma.
Sinabi naman ni Thongloun, na ang pagdalaw ni Pangulong Xi sa Laos ay malaking magpapasulong sa komprehensibo, estratehiko, at kooperatibong partnership ng dalawang bansa. Nakahanda aniya ang Laos, kasama ng Tsina, na ipatupad ang bunga ng pagdalaw na ito.
Salin: Liu Kai