Nagtagpo ngayong araw, Martes, ika-14 ng Nobyembre 2017, sa Vientiane, Laos, sina Pangulong Xi Jinping ng Tsina, at Pangulong Bounnhang Vorachith ng Laos. Ito ang kanilang ikalawang pagtatagpo sa panahon ng kasalukuyang pagdalaw ni Xi.
Kapwa sinabi ng dalawang pangulo, na matagumpay at mabunga ang pagdalaw na ito ni Xi sa Laos. Ipinahayag din nila ang kahandaang patuloy na pasulungin ang relasyon at kooperasyon ng dalawang bansa.
Pagkaraan ng pagtatagpo, sinaksihan nina Xi at Bounnhang ang paglalagda sa kasunduan ng mga Ministring Panlabas ng Tsina at Laos hinggil sa pagpapalakas ng kooperasyon sa ilalim ng bagong kalagayan. Nagpaalam din sa isa't isa ang dalawang pangulo.
Salin: Liu Kai