Sinabi ngayong araw, Martes, ika-14 ng Nobyembre 2017, ni Ministrong Panlabas Wang Yi ng Tsina, na mabunga ang katatapos na biyahe ni Pangulong Xi Jinping sa Biyetnam at Laos.
Mula ika-10 ng buwang ito hanggang ngayong araw, dumalo si Xi sa Ika-25 Di-pormal na Pulong ng mga Lider ng Asia-Pacific Economic Cooperation (APEC) sa Da Nang, Biyetnam. Nagsagawa rin siya ng dalaw-pang-estado sa Biyetnam at Laos.
Sinabi ni Wang, na sa mga pulong ng APEC, inilahad ni Xi ang landas ng pag-unlad ng Tsina, at isinalaysay ang paninindigan sa pagpapasulong ng kooperasyong panrehiyon. Ang pagdalaw naman ay sa Biyetnam at Laos ay nagbigay ng bagong lakas sa relasyon ng Tsina sa naturang dalawang bansa.
Salin: Liu Kai