Ika-28 ng Marso, 2017, Auckland—Naglakbay sina Premiyer Li Keqiang ng Tsina at Punong Ministro Bill English ng New Zealand sa Sentro ng Pananaliksik at Paggagalugad ng Haier-Fisher & Paykel sa Auckland.
Ang Fisher & Paykel ay pinakamalaking home appliances brand sa New Zealand, at magkasanib na itinayo nito at Haier Group ng Tsina ang nasabing sentro ng pananaliksik at paggagalugad noong 2014. Nitong dalawang taong nakalipas sapul nang itatag, ginalugad na nito ang mga produkto na bunga ng pananaliksik nito ay nasa maunlad na lebel sa daigdig.
Sinabi ni Li na ang inobasyon ay pinakamalaking tagapagpasulong na puwersa ng pag-unlad at pinasusulong ng Tsina ang inobasyon ng mga mga bahay-kalakal at mamamayan.
salin:Lele