|
||||||||
|
||
Nag-usap kahapon, Lunes, ika-27 ng Marso 2017, sa Wellington, New Zealand, sina dumadalaw na Premyer Li Keqiang ng Tsina, at Punong Ministro Bill English ng New Zealand.
Sa preskon pagkatapos ng pag-uusap, ipinatalastas ng dalawang lider, ang pagsisimula sa susunod na buwan ng talastasan hinggil sa pag-a-upgrade ng Free Trade Agreement ng dalawang bansa.
Sinabi ni Li, na nitong mga taong nakalipas, maganda ang pag-unlad ng relasyon ng Tsina at New Zealand, at ang pinakanamumukod na pangyayari ay pagkakaroon nila ng FTA noong 2008. Aniya, ang pagsisimula ng talastasan hinggil sa pag-a-upgrade ng FTA ay makakabuti sa ibayo pang pag-unlad ng kalakalan ng dalawang bansa, at magdudulot din ng benepisyo sa kani-kanilang mga mamamayan.
Ipinahayag naman ni English, na mabunga ang pag-uusap nila ni Premyer Li. Aniya, narating ng kapwa panig ang maraming komong palagay hinggil sa pagpapalakas ng kooperasyon, at ipinakikita nito ang malalim at malawak na relasyon ng dalawang bansa.
Pagkaraan ng pag-uusap, sinaksihan din nina Li at English ang paglalagda sa 9 na kasunduang pangkooperasyon ng Tsina at New Zealand. Kabilang dito ay Memorandum of Understanding hinggil sa kooperasyon sa ilalim ng "Belt and Road" Initiative.
Salin: Liu Kai
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |