Sa kanyang pagdalo ngayong araw, Martes, ika-14 ng Nobyembre 2017, sa Ika-12 East Asia Summit sa Manila, binigyang-diin ni Premyer Li Keqiang ng Tsina, na buong tatag na pangangalagaan ng kanyang bansa ang kalayaan ng paglalayag at paglipad sa South China Sea. Dagdag niya, bilang bansang may mahabang coastline sa South China Sea at malaking umaasa sa nabigasyon sa karagatang ito, ang kapayapaan, katatagan, at kalayaan ng nabigasyon sa South China Sea ay inaasahan nang mas malaki ng Tsina kaysa anumang ibang bansa.
Tinukoy ni Li, na sa pamamagitan ng magkakasamang pagsisikap ng Tsina at mga bansang ASEAN, naging mahinahon at matatag ang kalagayan ng South China Sea, at nagkakaroon ng positibong tunguhin. Bumalik na aniya ang mga may kinalamang panig sa landas ng paglutas ng hidwaan sa pamamagitan ng talastasan at pagsasanggunian, at bumubuti ang relasyon sa pagitan ng mga bansa.
Sinabi rin ni Li, na noong isang araw, magkakasamang ipinatalastas niya at mga lider ng mga bansang ASEAN ang pagsisimula ng pagsasanggunian hinggil sa teksto ng Code of Conduct (COC) in the South China Sea. Ito aniya ay nagpapakita ng komong hangarin ng mga bansa para sa pangangalaga sa kapayapaan at katatagan ng South China Sea, at ng kanilang kompiyansa, katalinuhan, at kakayahan, na maayos na hawakan ang isyu ng karagatang ito.
Salin: Liu Kai