Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Fr. Bienvenido Nebres, ibinahagi ang magkakatuwang na pagtugon sa isyu ng gutom sa paaralan, sa Beijing Forum 2017

(GMT+08:00) 2017-11-04 18:18:48       CRI

Kasalukuyang idinaraos ang Beijing Forum 2017, at sa eksklusibong panayan ng CRI Serbisyo Filipino Oktubre 4, 2017 sa Peking University, ibinahagi ni Fr. Bienvenido Nebres SJ, dating Pangulo ng Ateneo de Manila University na napakahalaga at maraming matututunan sa sub-theme ng purom ngayong taon na nakatuon sa "Values and Order in a Changing World."

Sa kanyang presentasyon, ibinahagi ni Fr. Nebres ang kanyang paper na pinamagatang "Private Social Enterprise and Government Working Together to Address School Hunger: The Philippine Experience."

Si Fr. Ben Nebres habang ibinabahagi ang kanyang paper na pinamagatang Private Social Enterprise and Government Working Together to Address School Hunger: The Philippine Experience

Ibinahagi niya sa panayam ang mga school feeding programs na Blue Plate for Better Learning at ang Kusina ng Kalinga na umaagapay sa mga mag-aaral na kapus-palad at walang makain.

"Values and Order in a Changing World"

Anang National Scientist, hinggil sa sub-them na "Values and Order in a Changing World" mahalagang pag-isipan kung ano ba talaga ang mga pagpapahalaga ng mga Pilipino at ang pagkakasunod-sunod ng mga naturang "values". Paliwanag niya, may pagpapahalaga sa pamilya, pero minsan dapat may pagpapahalaga na mas mataas, (gaya ng) para sa bansa, para sa iba. Malaking problema ito na pinanggagalingan ng korupsyon. Kailangan mag-sakrispisyo ang mga Pilipino para sa mas nangangailangan o para sa mas magandang kalalabasan (na pakikinabangan) ng mas nakararaming mamamayan.

Hindi ito ang unang pagdalo ni Fr. Nebres sa Beijing Forum. Ngayong taon, ikinalulugod niya na mas focused na mga sessions at presentations. At sa pananaw niya pinag-iisipan ng mga tagapag-taguyod at mga dumalong akademiko ang mga resulta na dapat magampanan sa mga pagpupulong.

Nag-iisang delegadong Pilipino si Fr. Nebres sa porum at hangad niyang sa darating na mga taon ay makakasali rin ang iba pang edukador na tulad niya. Naniniwala siyang mahalagang makilala rin ng mga akademikong Pilipino ang mundo lalo na ang mga kapitbansa nito gaya ng Tsina, Indonesia, at Biyetnam dahil maraming matututunan sa kanila.

Belt and Road Initiative, kapaki-pakinabang sa lahat

Hinggil sa mahalagang mga natutunan sa Beijing Forum 2017, sinabi ni Fr. Nebres na maganda ang kanyang napakinggan mula sa presentasyon ng isang delegado mula sa Egypt na nagtuon sa One Belt One Road (OBOR) Initiative na isinusulong ng Tsina para sa komong kasaganaan. Pahayag ni Fr. Nebres, sa Pilipinas marami ang nag-iisip na ang OBOR ay investments o transportasyon lamang. Pero sa kabuuan ang OBOR ay konsepto ng isang mundong dapat konektado, nagtutulungan at nagkakaisa. Sang-ayon siya sa pananaw na ito at umaasang ang OBOR ay tutulungan ang lahat ng tao na walang maiiwan at humantong sa pagkakaroon ng isang magandang mundo.

Si Fr. Ben Nebres, kasama nina Jack Wu Jiewei (kaliwa), Pangalawang Dekano ng School for Foreign Languages ng Peking University at Jade Xian Jie, Direktor ng Filipino Service, China Radio International

Si Fr. Ben Nebres habang kinakapanayam ni Mac Ramos, Mamamahayag ng Filipino Service, China Radio International

Ang Beijing Forum 2017 ay idinadaos kada taon simula 2004. Ito ay itinataguyod ng ng Ministry of Education, Peking University, Beijing Municipal Commission of Education at Korea Foundation for Advanced Studies. Higit 5000 scholar mula sa iba't ibang panig ng mundo ang lumahok sa nasabing porum mula ng ito ay sinumulan. At ang pangunahing tema nito ay "The Harmony of Civilizations and Prosperity for All."

Ulat: Mac Ramos
Larawan: Jack/Mac/Jade
Web-edit: Jade

May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>