Wuzhen, probinsyang Zhejiang ng Tsina
Mula Disyembre 3 hanggang 5, 2017, gaganapin sa Wuzhen, probinsyang Zhejiang ng Tsina, ang Ika-4 na World Internet Conference (WIC). Magpopokus ang pulong sa temang "Developing Digital Economy for Openness and Shared Benefits -- Building a Community of Common Future," at pagtitipun-tipunin ang bunga ng inobasyong pansiyensiya't panteknolohiya upang mapasulong ang pag-unlad at pamamahala sa internet sa buong daigdig. Sa kasalukuyan, handa na ang lahat ng gawain para sa pulong na ito.
Wuzhen, probinsyang Zhejiang ng Tsina
Pagkaraan ng mahigit 20 taong pag-unlad, ang Tsina ay naging isang internet power. Ilalabas sa kauna-unahang pagkakataon, sa pulong ang dalawang blue paper na "Ulat ng Pag-unlad ng Internet sa Daigdig sa 2017" at "Ulat ng Pag-unlad ng Internet sa Tsina sa 2017," kung saan komprehensibong ipapakita ang kasalukuyang kalagayan at tunguhin ng pag-unlad ng internet ng daigdig at Tsina, at ipagkakaloob ang katalinuhan at planong Tsino para sa buong daigdig.
Salin: Li Feng