Sinimulan nitong Biyernes, Nobyembre 17, 2017 sa Mexico City ang ika-5 round ng talastasan hinggil sa pagbabago ng malayang kasunduan ng Hilagang Amerika. Lumahok sa talastasang ito ang Estados Unidos, Canada at Mexico.
Tatagal ng 4 na araw ang nasabing talastasan at tatalakayin dito ang mga isyung gaya ng pagsususog sa rule of origin ng mga sasakyang de motor, at pagtatakda ng 5 taong termino ng bagong kasunduan.
Ang unang round ng talastasan ay idinaos noong nagdaang Agosto. Pero sa ika-4 na round ng talastasan, nagkaroon ng malaking pagkakaiba ang nasabing tatlong kasangkot na bansa hinggil sa mga di-umano'y "mahalagang ideya."