Kinatagpo kahapon, Linggo, ika-19 ng Nobyembre 2017, sa Naypyitaw, Myanmar, si Ministrong Panlabas Wang Yi ng Tsina, ni Pangulong Htin Kyaw ng Myanmar.
Ipinahayag ni Htin Kyaw ang kahandaan ng Myanmar, kasama ng Tsina, na pasulungin ang "Belt and Road" Initiative. Pabor aniya ang Myanmar sa mungkahi ng panig Tsino hinggil sa konstruksyon ng "economic corridor" ng dalawang bansa, at gusto nitong ibayo pang talakayin, kasama ng Tsina, ang usaping ito. Ipinahayag din niya ang paghanga sa paninindigan ng Tsina sa isyu ng Rakhine State, at umaasa aniya siyang patuloy na magkakaloob ang panig Tsino ng pagkatig at tulong sa Myanmar para sa prosesong pangkapayapaan nito.
Sinabi naman ni Wang, na ang Myanmar ay mahalagang katuwang ng Tsina para sa pagpapasulong ng "Belt and Road" Initiative. Umaasa aniya ang Tsina, na matutugunan ang planong pangkaunlaran at mga aktuwal na pangangailangan ng Myanmar, sa pamamagitan ng konstruksyon ng "economic corridor" ng dalawang bansa. Ipinahayag din ni Wang ang kahandaan ng Tsina na patuloy na tulungan ang Myanmar sa pagpapasulong ng prosesong pangkapayapaan, at paglutas ng isyu ng Rakhine State.
Salin: Liu Kai