Idinaos kahapon, Lunes, ika-20 ng Nobyembre 2017, sa New York, Amerika, ang taunang bangkete ng National Committee on United States - China Relations (NCUSCR).
Sa kani-kanilang mensaheng pambati sa bangkete, kapwa binigyan ng mataas na pagtasa nina Pangulong Xi Jinping ng Tsina at Pangulong Donald Trump ng Amerika, ang pagsisikap ng naturang komite para sa pagpapasulong ng relasyong Sino-Amerikano. Umaasa rin silang, sa pamamagitan ng pagsisikap ng iba't ibang panig ng Tsina at Amerika, ibayo pang uunlad ang relasyon ng dalawang bansa.
Sa kanya namang talumpati sa bangkete, ipinahayag ni Cui Tiankai, Embahador ng Tsina sa Amerika, ang pag-asang mapapanatili ang sustenable, malusog, at matatag na pag-unlad ng relasyong Sino-Amerikano. Ito aniya ay magdudulot ng benepisyo sa mga mamamayan ng dalawang bansa, at maging sa buong daigdig.
Salin: Liu Kai