Nilagdaan kahapon, Huwebes, ika-23 ng Nobyembre 2017, ng Myanmar at Bangladesh, ang kasunduan hinggil sa pagbibigay-tulong sa mga mamamayang taga-Rakhine, Myanmar, na lumikas sa Bangladesh, para bumalik sila sa Myanmar.
Ayon sa Office of the State Counsellor ng Myanmar, nilagdaan ang naturang kasunduan, pagkatapos ng pagdalaw ni Ministrong Panlabas Abul Hassan Mahmood Ali ng Bangladesh sa Myanmar.
Ipinahayag din ng naturang tanggapan, na bilang magkapitbansa, ang maayos na paglutas ng Myanmar at Bangladesh sa isyung kaugnay ng naturang mga mamamayan, ay makakabuti sa kanilang relasyong pangkaibigan. Anito, ang paglalagda sa nabanggit na kasunduan ay magdudulot ng win-win result sa kapwa bansa.
Salin: Liu Kai