Nakipagtagpo ngayong araw, Biyernes, December 1 2017, sa Beijing, si Pangulong Xi Jinping ng Tsina, kay Aung San Suu Kyi, State Counselor ng Myanmar, na kalahok sa Mataas na Pulong Pandiyalogo ng Partido Komunista ng Tsina (CPC) at mga Partidong Pulitikal ng Daigdig.
Positibo si Xi sa pag-unlad ng relasyon at kooperasyon ng Tsina at Myanmar, sapul nang umakyat sa poder ang National League for Democracy (NLD). Igigiit aniya ng partido at pamahalaan ng Tsina ang mga patakarang pangkaibigan sa Myanmar, at mahigpit na pakikipag-ugnay sa naghaharing partido at pamahalaan ng bansang ito.
Pinasalamatan ni Aung San Suu Kyi ang panig Tsino sa pag-aanyaya sa kanya para lumahok sa nabanggit na pulong. Ipinahayag niya ang pag-asang ibayo pang palalalimin ng NLD at CPC ang pagpapalitan ng mga karanasan sa pangangasiwa sa partido at estado.
Salin: Liu Kai