Sa kanyang keynote speech sa Mataas na Pulong Pandiyalogo ng Partido Komunista ng Tsina (CPC) at mga Partidong Pulitikal ng Daigdig, na binuksan ngayong araw, Biyernes, December 1 2017, sa Beijing, sinabi ni Xi Jinping, Pangkalahatang Kalihim ng Komite Sentral ng CPC, na patuloy na magbibigay-ambag ang CPC para sa kapayapaan, komong kaunlaran, at pagpapalitan ng mga sibilisasyon ng daigdig.
Tinukoy ni Xi, na sa pamamagitan ng planong pangkaunlaran na itinakda sa Ika-19 na Pambansang Kongreso ng CPC, ipinakita ng panig Tsino ang buong tapat na hangarin, na pasulungin, kasama ng iba't ibang panig, ang pagtatatag ng "community of shared future for mankind."
Ipinahayag din niya ang kahandaan ng CPC, kasama ng mga partidong pulitikal ng iba't ibang bansa, na pasulungin ang pagpapalagayan, ibahagi ang mga karanasan sa pangangasiwa sa estado, at palakasin ang estratehikong pagtitiwalaan.
Kalahok sa nabanggit na pulong ang mga lider ng halos 300 partidong pulitikal at organisasyon ng iba't ibang bansa ng daigdig. Pagkatapos ng seremonya ng pagbubukas, idinaos ang unang sesyong plenaryo ng pulong.
Salin: Liu Kai