Beijing, Tsina—Ipininid Huwebes, Disyembre 30, 2017, ang dalawang-araw na Porum ng Kooperasyong Pang-enerhiya ng ASEAN, Tsina, Hapon at Timog Korea (10+3). Ang tema ng porum ay "Magkakasamang Pagsasanggunian, Magkakasamang Pagtatatag at Komong Benepisyo: Pagpapasulong ng Pagtutulungang Pang-enerhiya at Sustenableng Pag-unlad ng Silangang Asya."
Kabilang sa mga tampok ng paksa ay tunguhin ng pag-unlad ng enerhiya ng Silangang Asya, Belt and Road Initiative (OBOR), konektibidad, pagtutulungan sa renewable energy, at koordinasyon sa mga patakarang pang-enerhiya.
Ipinalalagay ng mga kinatawan mula sa nasabing mga bansa na ang OBOR na iniharap ng Tsina para sa komong kaunlaran ay nagpapahigpit ng pag-uugnayan at pag-asa sa isa't isa ng rehiyon. Sa ilalim ng OBOR, malulutas ang di-balanseng suplay at pangangailangan sa enerhiya sa rehiyon at malawak ang potensyal ng pagtutulungang pang-enerhiya.
Salin: Jade
Pulido: Mac