Binigyan ng mataas na pagtasa ang talumpati ni Xi Jinping, Pangkalahatang Kalihim ng Komite Sentral ng Partido Komunista ng Tsina (CPC), sa seremonya ng pagbubukas ng Mataas na Pulong Pandiyalogo ng CPC at mga Partidong Pulitikal ng Daigdig, na idinaos nitong Biyernes, December 1 2017, sa Beijing.
Sinabi ni Hun Sen, Presidente ng Cambodian People's Party CPP at Punong Ministro ng Kambodya, na positibo siya sa ideyang iniharap ni Xi, na gawing target ang kabiyayaan ng mga mamamayan. Ito aniya ay nagpapakita ng "common value" ng lahat ng mga partido.
Sinabi naman ni Xulio Rios, Direktor ng Observatory of Chinese Politics ng Espanya, na sa kasalukuyan, may tungkulin ang mga partido ng iba't ibang bansa sa dalawang aspekto: pagpapabilis ng reporma sa loob ng sariling bansa, at pagsasabalikat ng mga pandaigdig na responsibilidad. Aniya, ang panawagang iniharap ni Xi para sa magkakasamang pagtatatag ng "community of shared future for mankind" ay dapat pag-aralan ng iba't ibang partido.
Positibo naman si Vojtech Filip, Presidente ng Communist Party of Bohemia and Moravia at Pangalawang Ispiker ng Mababang Kapulungan ng Czech, sa pagmamahal ng CPC sa kapayapaan. Aniya, ang nabanggit na talumpati ni Xi ay nagpapakita ng pagsisikap ng CPC sa kapayapaan, hindi lamang ng Tsina, kundi rin ng buong daigdig.
Salin: Liu Kai