Ang mensaheng pambati ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina sa Ika-4 na World Internet Conference, na binuksan kahapon, Linggo, ika-3 ng Disyembre 2017, sa Wuzhen, lalawigang Zhejiang, ay biniyan ng mataas na pagtasa ng mga kalahok sa pulong na ito.
Sinabi ni Luigi Gambardella, Presidente ng China-European Union Digital Association, na ang nabanggit ni Xi na puspusang pagpapaunlad ng Tsina ng digital economy at sharing economy ay magdudulot ng bagong lakas-tagapagpasulong, hindi lamang sa kabuhayang Tsino, kundi rin sa kabuhayang pandaigdig.
Sinabi naman ni Chris McGurk, CEO ng Cinedigm Corp. ng Amerika, na pabor siya sa sinabi ni Xi hinggil sa magkakasamang pagtatatag ng "community of common future in cyberspace." Aniya, dapat mas mahigpit na magtulungan ang iba't ibang bansa sa isyu ng pagpapaunlad ng internet, para maigarantiya ang pag-unlad ng cyberspace sa positibong direksyon.
Sinabi naman ni Stephen Munday, Managing Director ng Press Association ng Britanya, na mula sa kanyang karanasan sa mga biyahe sa Tsina, nakita niya ang maraming pagbabago na dulot ng digital economy. Aniya, ang pagpapahalaga ng lider na Tsino sa digital economy ay ibayo pang magpapasulong nito sa Tsina.
Salin: Liu Kai