Binuksan ngayong araw, Linggo, ika-3 ng Disyembre 2017, sa Wuzhen, lalawigang Zhejiang ng Tsina, ang Ika-4 na World Internet Conference.
Nagpadala ng mensaheng pambati sa pulong si Pangulong Xi Jinping ng Tsina.
Tatagal hanggang sa susunod na Martes ang pulong na ito, na may temang "Developing digital economy for openness and shared benefits -- building a community of common future in cyberspace."
Kalahok sa pulong ang halos 1500 panauhin mula sa iba't ibang lugar ng daigdig, na kinabibilangan ng mga namamahalang tauhan ng mga organisasyong pandaigdig, mga kinatawan ng industriya ng internet, eksperto, iskolar, at iba pa.
Salin: Liu Kai