Bilang pagdiriwang sa Pambansang Araw ng Thailand, nagdaos ng bangkete, kagabi, Lunes, ika-4 ng Disyembre 2017, sa Nanning, punong lunsod ng Rehiyong Awtonomo ng Guangxi, Tsina, ang Konsulada Heneral ng Thailand sa Nanning.
Sinabi sa bangkete ni Consul General Chairat Porntipwarawet, na ang pag-uugnayan ng "Thailand 4.0" estratehiyang pangkabuhayan at Belt and Road Initiative ay nagdudulot ng maraming pagkakataon sa kooperasyon ng Thailand at Guangxi. Malawak aniya ang espasyo ng kooperasyon ng dalawang panig, lalung-lalo na sa kalakalan.
Ipinahayag naman ni Mo Changying, Pangalawang Tagapangulo ng Guangxi Committee ng Pulitikal na Konsultatibong Kapulungan ng Mamamayang Tsino, ang pagpapahalaga sa pagpapalagayan at pagtutulungang pangkaibigan ng Guangxi at Thailand. Umaasa aniya siyang mapapalakas ng dalawang panig ang kooperasyon sa mga aspekto ng kalakalan, ocean shipping, turismo, at iba pa.
Salin: Liu Kai