|
||||||||
|
||
Sa isang proklamasyong inilabas Biyernes, Disyembre 9, 2017, ng Hilagang Korea, ipinahayag nito na ang biyahe ng United Nations (UN) Deputy Secretary-General na si Jeffrey Feltman ay nakakatulong sa pagpapalalim ng pag-uunawaan ng dalawang panig. Buong pagkakaisang sinang-ayunan ng dalawang panig na magsagawa ng regular na pagsasanggunian sa iba't-ibang lebel sa hinaharap.
Anang proklamasyon, sa pagkikita ng dalawang panig, ipinagdiinan ng panig Hilagang Koreano na dahil isinasagawa ng Amerika ang ostilong patakaran at nuclear threat laban sa Hilagang Korea, dapat ganap nitong isabalikat ang responsibilidad ng pagiging mas maigting na situwasyon sa Korean Peninsula.
Ipinahayag naman ni Feltman ang pagkabahala ng Sekretaryat ng UN sa paglala ng situwasyon ng Korean Peninsula. Nakahanda aniya itong makapagbigay ng ambag para mapahupa ang maigting na situwasyon ng Korean Peninsula.
Salin: Li Feng
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |