|
||||||||
|
||
Sa kanyang paglalahad nitong Sabado, Disyembre 9, 2017, sa media tungkol sa biyahe sa Hilagang Korea, ipinagdiinan ni Jeffrey Feltman, Pangalawang Pangkalahatang Kalihim ng United Nations (UN) na namamahala sa mga suliraning pulitikal, ang kagipitan ng pagpapahupa sa maigting na situwasyon sa Korean Peninsula. Inulit din niya ang kahalagahan ng paglutas sa isyu ng Korean Peninsula sa paraang diplomatiko.
Nitong Biyernes, natapos ni Feltman ang kanyang apat (4) na araw na biyahe sa Hilagang Korea. Makaraan nito, sa isang press release na inilabas niya, tinukoy niya na kung talagang nais mapahupa ang kasalukuyang maigting na situwasyon sa Korean Peninsula, walang ibang pagpili kundi gagamitin ang diplomatikong paraan at isasagawa ang "matapat na diyalogo." Aniya, sa proseso ng paglutas sa isyu, magiging susi ang oras.
Sa kanyang pagbisita sa Hilagang Korea, nagkaroon ng malawakang talakayan si Feltman at North Korean Foreign Minister na si Ri Yong-ho. Nagpalitan sila ng kuru-kuro tungkol sa isyu ng Korean Peninsula, at buong pagkakaisa nilang ipinalalagay na ang situwasyon ng Korean Peninsula ngayon ay ang pinakamahigpit at pinakamapanganib na isyung pangkapayapaan at panseguridad sa kasalukuyang daigdig.
Salin: Li Feng
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |