|
||||||||
|
||
Beijing — Ipinahayag Huwebes, Disyembre 14, 2017, ni Mao Shengyong, Tagapagsalita ng Pambansang Kawanihan ng Estadistika ng Tsina, na noong isang buwan, patuloy at matatag na bumuti ang kabuhayang Tsino. Aniya, matatag na lumaki ang pangangailangan ng produksyon, matatag sa kabuuan ang hanap-buhay at presyo ng mga paninda, walang humpay na bumuti ang estrukturang pangkabuhayan, at patuloy na tumaas ang kalidad at epsiyensiya.
Ani Mao, nitong ilang taong nakalipas, bumagal sa ilang digri ang bilis ng paglaki ng fixed assets investment. Subalit, mula noong Enero hanggang Nobyembre, 2017, lumaki ng 7.2% ang bahagdan ng paglaki ng fixed assets investment ng buong bansa. Ang bahagdan ng paglaking ito ay bumaba ng 0.1% mula noong Enero hanggang Oktubre.
Dagdag pa niya, kasunod ng pagbabago ng kayarian ng puwersang tagapagpasulong sa paglaki ng kabuhayan, ang angkop na pagbagal ng paglaki ng pamumuhunan ay hindi makakahadlang sa paglaki ng kabuhayan ng bansa.
Salin: Li Feng
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |