|
||||||||
|
||
Ipininid ngayong araw, Linggo, ika-3 ng Disyembre 2017, sa Beijing, ang Mataas na Pulong Pandiyalogo ng Partido Komunista ng Tsina (CPC) at mga Partidong Pulitikal ng Daigdig.
Pinagtibay sa pulong ang Beijing Initiative, na nagsasabing dapat itatag ang bagong relasyon ng iba't ibang partido, sa pamamagitan ng pagpapalalim ng pagtitiwalaan, pagpapalakas ng pag-uugnayan, at pagpapahigpit ng pagtutulungan. Nanawagan din ito sa iba't ibang partido, na magkakasamang magsikap para sa pagtatatag ng "community of shared future for mankind."
Sa kanya namang talumpati sa seremonya ng pagpipinid, ipinahayag ni Yang Jiechi, Kagawad ng Pulitburo ng Komite Sentral ng CPC, at Kasangguni ng Estado ng Tsina, ang kahandaan ng CPC, na patatagin at palalimin, kasama ng iba't ibang partido, ang relasyong pangkaibigan at pangkooperasyon, para magbigay-ambag sa pagtatatag ng "community of shared future for mankind," at ng mas magandang mundo.
Kalahok sa pulong ang mahigit 600 kinatawan mula sa halos 300 partido at organisasyong pulitikal ng mahgit 120 bansa ng daigdig.
Tinalakay nila ang mga paksa, na gaya ng CPC at daigdig sa bagong panahon, mga hamon hinggil sa party build-up, papel ng mga partido sa mga usaping pang-estado, ambag ng mga partido sa pagpapasulong ng Belt and Road Initiative, responsibilidad ng mga partido sa pagtatatag ng "community of shared future for mankind," at iba pa.
Nakatawag naman ng mainit na reaksyon sa mga kalahok ang talumpating may pamagat na "Magkakasamang Pagtatatag ng Mas Magandang Daigdig," na ginawa ni Xi Jinping, Pangkalahatang Kalihim ng Komite Sentral ng CPC, sa seremonya ng pagbubukas ng pulong.
Salin: Liu Kai
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |