Idinaos ngayong araw, Biyernes, ika-15 ng Disyembre 2017, sa Dali, lunsod ng lalawigang Yunnan sa timog kanluran ng Tsina, ang Ikatlong Pulong ng mga Ministrong Panlabas ng Lancang-Mekong Cooperation (LMC).
Dumalo sa pulong ang mga ministrong panlabas ng 6 na bansa sa kahabaan ng Lancang-Mekong River, na gaya ng Tsina, Kambodya, Laos, Myanmar, Thailand, at Biyetnam.
Nangulo sa pulong sina Ministrong Panlabas Wang Yi ng Tsina at Ministrong Panlabas Prak Sokhonn ng Kambodya. Lumahok din sila sa magkasanib na preskon pagkatapos ng pulong.
Sa panahon ng pulong, idinaos din ang seremonya ng pagsasaoperasyon ng official website ng LMC China Secretariat.
Salin: Liu Kai