Beijing, Tsina-- Isinapubliko ngayong araw, Biyernes, Disyembre 15, 2017 ng Tanggapan ng Impormasyon ng Konseho ng Estado ng Tsina ang whitepaper na may kinalaman sa mga bagong progreso ng bansa hinggil sa pangangalaga sa karapatang pantao ayon sa batas.
Nahahati sa anim na pangunahing bahagi ang whitepaper. Kabilang sa mga ito ay pagpapabuti ng sistemang pambatas ng karapatang pantao, pangangalaga ng mga karapatan at interes ng mga mamamayang Tsino ayon sa batas, pagpapataas ng lebel ng sistemang hudisyal hinggil sa karapatang pantao, pagpapatibay ng pundasyong panlipunan para sa pangangalaga sa kaparatang pantao alinsunod sa batas, pagpapalakas ng pamumuno ng Partido Komunista ng Tsina (CPC) sa pangangalaga sa karapatang pantao ayon sa batas, at pagpapasulong ng pandaigdig na pangangalaga sa karapatang pantao alinsunod sa batas.
Salin: Jade
Pulido: Mac