|
||||||||
|
||
Hanoi — Sa isang panayam, ipinahayag kamakailan ni Hoang Quoc Dung, Komisyoner ng Komisyong Tagapagpaganap ng Asosyasyon ng Pangangalaga sa Kalikasan at Kapaligiran ng Biyetnam, na sa loob lamang ng isang taon, natamo ng Lancang-Mekong Cooperation (LMC) ang mahalagang bunga. Aniya, dito ay napatingkad ng Tsina ang positibong papel.
Sinabi niya na sa 45 Early Harvest Projects na naitakda sa unang Pulong ng mga Lider ng LMC noong nagdaang Marso, karamihan sa mga ito ay natapos na o nagtamo ng substansyal na progreso. Ito aniya ay mahalagang bungang natamo sapul nang maitatag ang Mekanismo ng LMC.
Dagdag pa niya, sa ilalim ng nasabing mekanismo, walang humpay na palalalimin ng iba't-ibang bansa ang pag-uunawaan at pagtutulungan, at makukuha ang mas maraming bunga sa limang (5) preperensyal na larangang gaya ng konektibidad, kakayahan ng produksyon, kabuhayang transnasyonal, yamang-tubig, at pagbabawas ng karalitaan.
Idinaos sa Dali, probinsyang Yunnan ng Tsina, nitong Biyernes, ang Ika-3 Pulong ng mga Ministrong Panlabas ng LMC kung saan binalik-tanaw ang natamong progreso at bunga ng LMC at gumawa ng plano para sa mga gawain sa susunod na yugto.
Salin: Li Feng
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |