|
||||||||
|
||
Beijing — Idinaos Miyerkules, Nobyembre 15, 2017, ang serye ng pulong ng Lancang-Mekong Environmental Cooperation Roundtable Dialogue.
Ang Lancang-Mekong River ay isang pandaigdigang ilog na dumaraan sa Tsina, Laos, Myanmar, Thailand, Cambodia, at Biyetnam. Magkakasama nilang kinakaharap ang maraming komong problema at hamon sa pangangalaga sa kapaligiran at sustenableng pag-unlad. Noong Marso, 2016, sa unang Pulong ng mga Lider ng Lancang-Mekong Cooperation (LMC), iniharap ni Premyer Li Keqiang ng Tsina ang mungkahing itatag kasama ng mga bansa sa kahabaan ng Mekong River, ang Lancang-Mekong Environmental Cooperation Center upang mapalakas ang kooperasyong panteknolohiya, pagpapalitan ng mga talento at impormasyon, at mapasulong ang berde, koordinado, at sustenableng pag-unlad.
Sa nasabing pulong, isiniwalat ni Song Xiaozhi, Pangalawang Direktor ng Pandaigdigang Kooperasyon ng Ministri ng Pangangalaga sa Kapaligiran ng Tsina, na isasaoperasyon ang naturang sentro sa malapit na hinaharap. Aniya, sa hinaharap, ibayo pang payayamanin ang nilalaman ng South-South Environmental Cooperation, at aktibong pasusulungin ang rehiyonal na kooperasyong pangkapaligiran.
Salin: Li Feng
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |