Beijing, Disyembre 18, 2017—Ipinahayag ni Hua Chunying, Tagapagsalita ng Ministring Panlabas ng Tsina, na nakahanda ang kanyang bansa na patuloy na magsikap, kasama ng iba't ibang panig, para itatag ang Lancang-Mekong economic development belt, at likhain ang Lancang-Mekong community of shared future. Ito aniya ay para makapaghatid ng benepisyo sa mga mamamayan sa rehiyong ito.
Noong Disyembre 15, 2017, matagumpay na idinaos ang Ika-3 Lancang-Mekong Cooperation (LMC) Foreign Ministers' Meeting sa Dali, Lalawigang Yunnan. Ani Hua, nilagom ng pulong ang bunga at karanasan ng LMC, at niliwanag ang plano sa hinaharap. Ipinalabas ng pulong ang "Joint Press Communiqué" at "List of the First Batch of Projects of LMC Special Fund," at ipinatalastas ang pagtatatag ng "LMC Hotline Platform." Narating ng mga kalahok na Ministrong Panlabas ng anim na bansa ang mga komong palagay hinggil sa "Five-Year Plan of Action of the Lancang-Mekong Cooperation (2018-2022)," "List of the Second Batch of Projects," at "Reports of the six Joint Working Groups on the key priority areas," at ginawa nito ang lubos na paghahanda para sa Ika-2 Pulong ng mga lider ng LMC.
salin:Lele