Sa preskon pagkatapos ng Ikatlong Pulong ng mga Ministrong Panlabas ng Lancang-Mekong Cooperation (LMC), na idinaos ngayong araw, Biyernes, ika-15 ng Disyembre 2017, sa Dali, lunsod ng lalawigang Yunnan sa timog kanluran ng Tsina, sinabi ni Ministrong Panlabas Wang Yi ng Tsina, na sinang-ayunan ng lahat ng mga kalahok na panig, na pasulungin ang LMC sa 6 na aspekto.
Ayon kay Wang, ang naturang 6 na aspekto ay kinabibilangan ng pagbuo ng mas mahigpit na mekanismo, pagpapalawak ng kooperasyon, pagpapalakas ng pagpaplano ng mga kooperasyon, pagpapalakas ng kakayahan sa koordinasyon at superbisyon, pagpapalalim ng ideya sa kooperasyon, at pagpapalakas ng pakikipag-ugnay ng LMC sa mga ibang mekanismong pangkooperasyon.
Dagdag ni Wang, na sinang-ayunan din ng iba't ibang panig, na itatag ang economic development belt sa Lancang-Mekong River, at buuin ang "community of shared future" ng mga bansa sa kahabaan ng ilog na ito.
Salin: Liu Kai