Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Mabagal na trapiko, malaki ang epekto sa ekonomiya at kalusugan

(GMT+08:00) 2017-12-19 12:21:03       CRI

MATINDI ang dulot na problema ng 'di maayos na daloy ng trapiko sa mga mauunlad na bahagi ng bansa.

AABOT SA P 3 BILYON ANG NAWAWALA SA EKONOMIYA BAWAT ARAW.  Ito ang sinabi ni Engr. Alberto Suansing, isang dalubhasa sa larangan ng transportasyon sa idinaos na "Tapatan sa Aristocrat" kanina.  Kailangang matugunan ng mass transport ang pangangailangan ng mga mamamayan, dagdag pa ni Engr. Suansing.

Umaabot naman sa may P 3 bilyon ang nawawala sa ekonomiya sa bawat araw dala ng mabagal na daloy ng mga sasakyan. Sa idinaos na year-end edition ng "Tapatan sa Aristocrat," kay Engr. Alberto Suansing, dating chairman ng Land Transport Franchising and Regulatory Board at Assistant Secretary ng Land Transportation Office, marapat lamang lutasin ng pamahalaan ang problema sa pamamagitan ng maayos na mass transport.

TRAPIKO, NAGPAPATAAS NG PRESYO.  Ipinapasa lamang ng mga negosyante sa mga mamimimli ang dagdag na singil dahil sa tumataas na gastos sa logistics dahil sa traffic.  Ito ang ipinaliwanag ni G. George Siy, pangulo ng Intergrfated Integrated Development Studies Institute sa pagsusuri ng patapos na taong 2017.

Ayon sa mangangalakal tulad ni George Siy, pangulo rin ng Integrated Development Studies Institute, lumalaki ang gastos ng mga mangangalakal sa demurahe sa paggamit ng mga bodega sa bagal ng mga sasakyan at iba pang may kinalaman sa logistics. Ipinapasa ang mataas na singil sa demurahe sa mga produktong binabayaran ng mga mamamayan.

MGA NAGKAKASAKIT, DARAGDAGAN DAHIL SA TRAFFIC.  Naniniwala naman is dating Health Undersecretary Teodoro Herbosa na may epekto ang traffic sa kalusugan ng mga mamamayan, tulad ng stroke, atake sa puso.  Nadaragdagan din ng sakit sa bato dahil hindi nakatutugon sa call of nature ang mga pasahero dahil sa mabagal na traffic.

Sinabi ni dating Health Undersecretary Teodoro Herbosa na nadaragadagan ang mga karamdaman ng mga Filipino tulad ng mga stroke at atake sa puso. Mayroon ding epekto ito sa pag-uugali ng mga nabibiktima ng traffic. Ito ay hiwalay pa sa sakit sa bato na nauuwi sa urinary tract infection sa hindi pagkakaihi ng mga pasahero sa kanilang mga sasakyan, pribado man o pangpubliko.

May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>