Hindi pinagtibay Disyembre 18, 2017 ang panukalang resolusyon ng UN Security Council hinggil sa kalagayan ng Herusalem, dahil sa pagtutol ng Amerika.
Ang nasabing resolusyon na binalangkas ng Ehipto ay naglalayong hindian ang desisyon ng Amerika na kikilalanin ang Herusalem bilang kabisera ng Israel.
Nang araw ring iyon, ipinahayag ni Wu Haitao, Charge D' Affaires ng Misyong Tsino sa UN, na ang isyu ng Palestina ay nukleong isyu ng Gitnang Silangan. Aniya, palaging sumusuporta ang Tsina sa prosesong pangkapayapaan ng Gitnang Silangan. Samanatala, kinatatigan aniya ng Tsina ang pagtatatag ng soberanong bansa ng Palestina, na may kabiserang East Jerusalem, alinsunod sa hanggahang tiniyak noong 1967.
Ipinahayag naman ni Francois Delattre, Pirmihang Kinatawan ng Pransya sa UN ang pagtutol sa anumang unilateral na desisyong ginawa ng ikatlong bansa bilang tugon sa kalagayan ng Herusalem.
Samantala, ipinalalagay ni Matthew Rycroft, Pirmihang Kinatawan ng Britanya na ang Herusalem ay dapat maging komong kabisera ng Israel at Palestina.