|
||||||||
|
||
Si Wang Wentian (kaliwa), Embahador ng Tsina sa Laos, kasama ng isang estudyanteng ginawaran ng Chinese Ambassador Scholarship
Tinanggap kahapon, Martes, ika-19 ng Disyembre 2017, ng 50 estudyante ng National University of Laos ang Chinese Ambassador Scholarship.
Sa seremonya ng paggawad, na idinaos nang araw ring iyon sa Vientiane, Laos, sinabi ni Wang Wentian, Embahador ng Tsina sa Laos, na ang edukasyon ay mahalagang bahagi ng pragmatikong kooperasyon ng Tsina at Laos. Nakahanda aniya ang panig Tsino, na patuloy na katigan ang pagpapaunlad ng Laos sa edukasyon, at tulungan ang Laos sa paghubog ng mga talento.
Si Wang Wentian (kaliwa), Embahador ng Tsina sa Laos, at Somsy Gnophanxay (kanan), Presidente ng National University of Laos
Ipinahayag naman ni Somsy Gnophanxay, Presidente ng National University of Laos, ang pasasalamat sa Embahada ng Tsina sa pagkakaloob ng scholarship sa mga estudyante ng kanyang pamantasan.
Nitong 4 na taong nakalipas, 182 estudyanteng Lao ay ginawaran ng Chinese Ambassador Scholarship.
Salin: Liu Kai
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |