Ayon sa ulat, mula Disyembre 19 hanggang 20, 2017, gaganapin sa Vientiane, Laos, ang unang Porum na Pangkooperasyon ng Laos at Tsina sa "Belt and Road." Layon nitong pasulungin ang pag-u-ugnay ng estratehiyang pangkaunlaran ng Laos sa "Belt and Road" Initiative.
Sa isang news briefing nang araw ring iyon, sinabi ni Savankhone Razmountry, Pangalawang Ministro ng Impormasyon, Kultura, at Turismo ng Laos, na nananalig siyang sa pamamagitan ng nasabing porum, mapapatingkad ang mahalagang papel sa paglikha ng dalawang bansa ng Komunidad ng Komong Kapalaran na may estratehikong katuturan.
Salin: Li Feng