Sa sideline ng Ikatlong Pulong ng mga Ministrong Panlabas ng Lancang-Mekong Cooperation (LMC), na idinaos ngayong araw, Biyernes, ika-15 ng Disyembre 2017, sa Dali, lunsod ng lalawigang Yunnan sa timog kanluran ng Tsina, nagtagpo sina Ministrong Panlabas Wang Yi ng Tsina at Ministrong Panlabas Don Pramudwinai ng Thailand.
Sinabi ni Wang, na matatag ang relasyong Sino-Thai, at malalim ang kanilang kooperasyon. Positibo siya sa mahalagang papel ng Thailand para sa LMC. Umaasa aniya siyang patuloy na susulong ang mekanismong ito.
Sinabi naman ni Don, na ang pagtatayo ng Thailand-China Railway ay mahalagang proyektong pangkooperasyon ng dalawang bansa. Positibo siya sa pag-unlad ng LMC, at nakahanda aniya ang Thailand, na mas aktibong lumahok sa mekanismong ito.
Salin: Liu Kai