Nag-usap Disyembre 19, 2017 sa telepono sina Ministrong Panlabas Wang Yi ng Tsina at kanyang Russian counterpart Sergei Lavrov.
Pinahahalagahan ng dalawang ministro ang natamong bunga ng pagtutulungan ng dalawang bansa sa ibat-ibang larangan at antas. Samantala, nagpalitan sila ng kuru-kuro hinggil sa isyung nuklear ng Peninsula ng Korea, at mga isyung pandaigdig na kapuwa nila pinahahalagahan. Sinang-ayunan din ng dalawang ministro na ipagpapatuloy ang pagpapalitan sa mga estratehikong isyu sa ibat-ibang larangan.