Ipinahayag Oktubre 10, 2017 ni Ning Jizhe, Puno ng State Statistic Bureau ng Tsina na mula taong 2013 hanggang 2016, nananatiling mabilis at katam-taman ang bahagdan ng paglaki ng pambansang kabuhayan ng Tsina; umabot 7.2% ang annual growth rate ng GDP; at 30% ng annual contribution rate ng world economic growth ay mula sa Tsina.
Sinabi ni Ning na nitong limang taong nakalipas, pinapasulong ng Tsina ang pagsasaayos ng estrukturang pangkabuhayan at pinapalawak ang pagtutulungang panlabas. Aniya, mula 2013 hanggang 2016, umabot sa 489.4 bilyong dolyares ang kabuuang halaga ng mga pondong dayuhan na aktuwal na ginamit ng Tsina.
Ani Ning, noong 2016, umabot sa 74 trilyong RMB ang kabuuang halaga ng GDP ng Tsina, at ito ay 14.8% ng world economic total volume. Samantala, hanggang katapusan ng Setyembre ng taong ito, lumampas sa 3 trilyong dolyares ang foreign exchange reserve ng bansa, na nasa unang puwesto ng daigdig, dagdag pa niya.
Ipinahayag din ni Ning, na kasalukuyang nananatiling matatag at katam-taman ang paglaki ng kabuhayan ng Tsina, at maisasakatuparan ang 6.5% na target ng paglaki ng pambansang kabuhayan ng taong ito.