Sa pagtataguyod ng United Nations Economic and Social Commission for Asia and the Pacific (ESCAP), idinaos kamakailan sa Bangkok, Thailand, ang talakayan para sa pag-aaral sa pag-uugnayan ng Belt and Road Initiative at plataporma ng ESCAP.
Lumahok sa talakayan ang mahigit 150 kinatawan mula sa mahigit 30 kasapi ng ESCAP. Tinalakay nila ang hinggil sa paggamit ng nasabing plataporma, para sa pagsasagawa ng mas maraming proyekto sa ilalim ng Belt and Road Initiative.
Sa kanyang talumpati, sinabi ni Shamshad Akhtar, Executive Secretary ng ESCAP, na malawak ang espasyo ng kooperasyon sa pagitan ng Belt and Road Initiative at proseso ng integrasyong panrehiyon na itinataguyod ng kanyang komisyon. Ipinahayag niya ang kahandaan ng ESCAP, na patuloy na pasulungin ang naturang inisyatiba sa rehiyong ito, sa pamamagitan ng pakikipagkoordina sa mga patakaran, pagtataguyod ng mga proyektong pangkooperasyon, at iba pa.
Sinabi naman ni Lv Jian, Embahador ng Tsina sa Thailand, na nakahanda ang Tsina, na samantalahin ang plataporma ng ESCAP, para palakasin ang pakikipagkooperasyon sa mga kasapi ng komisyong ito, sa ilalim ng Belt and Road Initiative.
Salin: Liu Kai