Inulit kahapon, Martes, ika-26 ng Disyembre 2017, ni Tagapagsalita Hua Chunying ng Ministring Panlabas ng Tsina, ang kahandaan ng kanyang bansa, na magkaloob ng tulong sa mga lugar sa Pilipinas, na sinalanta ni bagyong "Vinta."
Sinabi ni Hua, na pagkaraang magdulot ng malaking kasuwalti at kapinsalaan ng ari-arian ang naturang bagyo sa Pilipinas, ipinadala ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina, ang mensahe kay Pangulong Rodrigo Duterte, bilang pakikiramay sa mga apektadong mamamayang Pilipino. Ipinahayag din aniya ng pangulong Tsino ang kahandaang magkaloob ng tulong sa panig Pilipino.
Salin: Liu Kai