Ipinadala ngayong araw, Miyerkules, ika-20 ng Disyembre 2017, ni Ministrong Panlabas Wang Yi ng Tsina, ang mensahe kay Alan Peter Cayetano, Kalihim ng Ugnayang Panlabas ng Pilipinas, kaugnay ng malaking kasuwalti at kapinsalaan ng ari-arian, na dulot ng bagyong "Urduja" sa bansa.
Sa mensahe, ipinahayag ni Wang sa mga apektadong mamamayang Pilipino ang taos-pusong pakikiramay at pangungumusta. Nananalig aniya siyang, sa pamumuno ng pamahalaang Pilipino, mapagtatagumpayan ang mga kahirapan sa mga apektadong lugar, at mapapanumbalik ang normal na pamumuhay ng mga mamamayan sa malapit na hinaharap.
Salin: Liu Kai