Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Relasyong Sino-Pilipino, pasok na sa panahon ng pagtutulungan at pagkakaunawaan

(GMT+08:00) 2017-12-11 16:12:31       CRI
Bilang unang Premyer Tsino na dumalaw sa Pilipinas nitong 10 taon nakaraan, sinaksihan ni Premyer Li Keqiang ng Tsina, kasama ni Pangulong Rodrigo Duterte ng Pilipinas ang paglagda ng dalawang bansa sa mga kasunduan sa mga larangang gaya ng industriya, negosyo, pamumuhunan, imprastruktura, teknolohiya at paglaban sa droga.

"Ito ang malinaw na mensahe ng dalawang bansa para ipakita sa daigdig ang kanilang determinasyon sa pagpapatatag ng bilateral na pagtutulungan at pagkaunawaan," ani Wilfrido Villacorta, dating embahador ng Pilipinas sa Association of Southeast Asian Nations (ASEAN).

Ang pagdalaw ni Li sa Pilipinas ay ang unang pagdalaw ng Premyer Tsino sa ibang bansa pagkatapos ng 19th National Congress ng Partido Komunista ng Tsina (CPC), kung saan naihalal ang bagong liderato ng CPC.

Sa nasabing pambansang Kongreso, nilagom ng CPC ang mga natamo nitong karanasan sapul noong 18th National Congress at itinakda ang mga bagong patakaran at hakbangin sa mga isyug panlabas at panloob.

Sa panayam sa Serbisyo Filipino ng Radyo Internasyonal ng Tsina (SF-CRI), sinabi ni Ambassador Jose Santiago "Chito" Sta. Romana, Sugo ng Pilipinas sa Tsina, na nakikita sa 19th National Congress ng CPC, kung ano ang direksyon na tatahakin ng Tsina sa hinarahap at kailangang pag-aralan ng Pilipinas kung ano ang epekto nito sa relasyon ng dalawang bansa.

Ang pagpawi sa kahirapan ay isang pangunahing gawain ng pamahalaan ni Pangulong Duterte. Samantala, importante rin ang katulad na isyu sa Tsina. Ipinangako ni Pangulong Xi Jinping na hanggang taong 2020, mapapawi ang lahat ng kahirapan sa mga nayon.

Hinggil dito, ipinalalagay naman ni Jose Romero, Presidente ng Philippine Council for Foreign Relations, na maaring tulungan ng Tsina ang Pilipinas sa larangang ito.

"The reason of poverty in the Philippines is our underdevelopment in agriculture. I want China to come and put more value to our agriculture exports," aniya.

Sapul nang dumalaw si Pangulong Duterte sa Tsina noong Oktubre, 2016, patuloy na humihigpit ang kooperasyon at pagpapalitan ng Tsina at Pilipinas. Sa kasalukuyan, ang Tsina ay ang pinakamalaking trade partner ng Pilipinas, batay sa datos ng Department of Trade and Industry (DTI) mula Enero hanggang Setyembre ng taong 2017. Bukod dito, mahigit 600,000 turistang Tsino ang naglakbay sa Pilipinas simula noong unang hati ng taong ito.

Ipinalalagay ni Wilfrido Villacorta na "nakakatulong ito sa kabuhayan ng Pilipinas, pagsugpo sa kahirapan at pagpapalapit ng ugnayan ng mga mamamayan ng dalawang bansa sa mga larangang gaya ng kultura, isports at tursimo."

Ayon naman kay Jose Romero, ang pagpasok ng mga pondo at bahay-kalakal ng Tsina sa pamilihang Pilipino ay nakakatulong sa pagpapasulong ng production capacity ng Pilipinas, pagdaragdag ng hanap-buhay at pagpapabuti ng pamumuhay ng mga mamamayan.

Aniya pa, "we were colonized first by Spain, then colonized by the Americans: they never developed our agriculture, they made the Philippines, as their supplier of raw materials. "

"The development of Philippine agricultural products needs technology and capital support," aniya pa.

Noong 1978, ipinasiya ng pamahalaang Tsino ang pagsasagawa ng pakataran ng reporma at pagbubukas sa labas. Sa kasalukuyan, ang Tsina ang ika-2 pinakamalaking ekonomiya sa daigdig. Ang mabilis na pag-unlad ng kabuhayan at lipunan ng Tsina ay, hindi lamang nagpapabuti ng pamumuhay ng mga mamamayan, kundi nagdudulot din ng kapakanan at pagkakataon para sa pag-unlad ng ibang mga bansa.

Sinabi ni Amb. "Chito" Sta. Romana na "may kahalagahan ang "One Belt One Road" Initiative at Asian Infrastructure Investment Bank (AIIB) para sa Pilipinas, kasi ang patakaran ng Pilipinas ngayon ay paunlarin ang imprasruktura at ekonomiya. Kaya aniya, nagtutugma ang mga plano ng Tsina at Pilipinas."

Samantala, sinabi pa ni Jose Romero na ang pag-unlad ng Tsina ay nakakabuti sa pag-unlad ng Pilipinas. Sinabi niyang "If you look at the map, our market is China, Europe is far, U.S is even farther, it must be China."

Ang South China Sea (SCS), kung saan may mayamang deposito ng langis, natural gas at iba pang yamang-dagat, ay nasa mahalagang geographic location para sa konstruksyon ng "One Belt One Road" Initiative.

Sa kasalukuyan, sinang-ayunan ng mga lider ng Tsina at Pilipinas na itatag ang mekanismo ng bilateral na konsultasyon tungkol sa isyu ng SCS. Layunin nitong pangalagaan ang kapaligiran at yamang-dagat, at iwasan ang mga di-inaasahang sakuna o pagkakamali sa pamamagitan ng epektibong kooperasyong pandagat. Patuloy ding pasusulungin ng dalawang bansa ang talastasan hinggil sa Code of Conduct in the South China Sea para isakatuparan ang mapayapang paglutas sa isyung ito.

Ani Wilfrido Villacorta, nagkaisa ang Pilipinas at Tsina na paigtingin ang mga deliberasyon para sa pagpapaunlad ng pagtitiwalaan ng bawa't kinauukulang bansa sa South China Sea.

Tulad ng nakikita ng komunidad ng daigdig, pumasok ang Tsina sa bagong panahon pagkatapos ng ika-19 na Pambansang Kongreso ng CPC, at nananatili pa ring matatag at malinaw ang patakarang panlabas ng Tsina.

Tulad ng sinabi ni Geng Shuang, Tagapagsalita ng Ministring Panlabas ng Tsina, pagkatapos ng nabanggit na pulong, patuloy na iginigiit ng patakarang panlabas ng Tsina ang prinsipyo ng pangangalaga sa kapayapaang pandaigdig at papapasulong ng magkakasamang pag-unlad.

Positibo ang mensaheng ito sa relasyong Sino-Pilipino sa hinahrap, aniya pa.

Sa kabilang dako, sinabi ni Embahador Sta. Romana na sa ngayon, makikitang ipagpapatuloy ng Tsina ang pagtahak sa kasalukuyang direksyon, kaya patuloy na humuhusay ang relasyon ng dalawang bansa.

Sa tingin niya, lalo pang lalakas ang relasyong Pilipino-Sino sa hinaharap.

Ipinagdiinan naman ni Wilfrido Villacorta na ang "mga pakinabang ay ang siyang higit na nagpapatibay sa kooperasyon at pagkakaibigan ng sambayanang Pilipino at Tsino. Ito rin aniya ang magpapatibay sa pag-a-ambag ng dalawang mamamayan upang pasulungin ang prosperidad at kapayapaan sa buong rehiyon at daigdig."

Ulat ni Ernest Wang, kasama ang hiwalay na ulat ni Mac Ramos; Ipinulido ni Rhio Zablan

May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>