Idinaos ngayong araw, Biyernes, ika-29 ng Disyembre 2017, sa Beijing, ng Politikal na Konsultatibong Kapulungan ng Mamamayang Tsino (CPPCC), ang pagtitipon bilang pagsalubong sa bagong taong 2018.
Sa kanyang talumpati sa aktibidad, sinabi ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina, na batay sa ideya ng sosyalismong may katangiang Tsino sa bagong panahon, patuloy na pasusulungin ng Tsina ang iba't ibang gawain ng pagpapatatag ng paglaki ng kabuhayan, pagpapasulong sa reporma, pagsasaayos ng estrukturang pangkabuhayan, pagpapabuti ng pamumuhay ng mga mamamayan, at paglaban sa mga krisis. Ito aniya ay para isakatuparan ang tuluy-tuloy at malusog na pag-unlad ng kabuhayan at lipunan.
Tinukoy din niyang sa bagong taon, dapat igiit at pabutihin ang sistema ng kooperasyong multi-partido at konsultasyong pulitikal sa ilalim ng pamumuno ng Partido Komunista ng Tsina. Umaasa aniya siyang ibayo pang palalakasin ng CPPCC ang pagkakaisa ng iba't ibang partido, organisasyon, at mga personahe mula sa iba't ibang sirkulo, upang magkakasamang magpunyagi para sa mga gawaing pang-estado.
Salin: Liu Kai