Kunming, Yunnan Province, Tsina- Nagsimula nang isaoperasyon kahapon, Huwebes, Disyembre 28, 2017, ang Magkasanib na Sentro ng Pagpapatupad sa Batas at Kooperasyong Panseguridad ng mga bansa sa kahabaan ng Ilog Lancang-Mekong.
Ang nasabing sentro ay binubuo ng anim na bansa sa kahabaan ng Lancang-Mekong River na kinabibilangan ng Tsina, Kambodya, Laos, Myanmar, Thailand, at Vietnam. Ang Lancang ay tawag ng mga mamamayang Tsino sa itatas na bahagi ng Mekong.
Sa pamamagitan ng sentro, magpapasulong ang mga kasaping bansa ng koordinasyon, pagbabahaginan ng impormasyon, at paglaban sa transnasyonal na krimen.
Sapul noong 2011, 65 magkasanib na pamamatrolya ang isinagawa ng mga ahensya ng pagpapatupad sa batas ng nasabing anim na bansa. Kasabay nito, apat na magkasamang operasyon laban sa drug trafficking ang inilunsad, 39,000 kaso ng droga ang nalutas, at 120 sasakyang pansibilyan ang nailigtas.
Salin: Jade