Napili Huwebes, Disyembre 28, 2017 ng China Radio International ang sampung pinakaimpluwensyal na balitang naganap sa Timog-silangang Asya.
Ayon sa ayos na kronolohikal, ang pangwalong balita ay may kinalaman sa unang pulong ng mga lider ng Regional Comprehensive Economic Partnership (RCEP).
Noong Nobyembre 14, idinaos sa Maynila, ang unang pulong ng mga lider ng RCEP. Ito ang unang pulong ng mga lider sapul nang magsimula ang talastasan hinggil sa RCEP noong 2012.
Sumang-ayon ang mga lider mula sa ASEAN, Tsina, Hapon, Timog Korea, Australia, New Zealand at India na i-integrate sa RCEP ang mga kasalukuyang Free Trade Agreement.
Salin: Jade
Pulido: Rhio