Idinaos kamakailan sa Beijing ang pambansang pulong sa gawain ng pagbabawas ng kahirapan ng Tsina. Iniharap sa pulong ni Wang Yang, Pangalawang Premyer na Tsino, at puno ng namumunong grupo ng Konseho ng Estado ng Tsina sa pagbabawas ng kahirapan, ang mga kahilingan sa usaping ito sa susunod na taon.
Ayon kay Wang, dapat bigyang-diin ang pagbabawas ng kahirapan sa mga lugar na labis na mahirap, pagbibigay-tulong sa mga taong labis na mahirap, at paglutas sa mga namumukod na isyung kinakaharap ng mga mahihirap. Hinihiling din niyang pabutihin ang mga patakaran ng pagbibigay-tulong sa mga mahihirap, buuin ang matatag at pangmatagalang mekanismo ng pagbabawas ng kahirapan, at palakasin ang pangangasiwa sa mga pondong ilalaan sa pagbabawas ng kahirapan.
Salin: Liu Kai