|
||||||||
|
||
Idinaos, kamakalawa, Biyernes, ika-28 ng Abril 2017, sa Rome, Italya, ang talakayan hinggil sa pandaigdigang pagbabawas ng kahirapan.
Layon nitong talakayin ang mga hamon sa pagbabawas ng kahirapan, at ibahagi ang mga karanasan sa usaping ito.
Ipinahayag ng mga kalahok, na sa kasalukuyan, sadlak pa rin sa labis na kahirapan ang mahigit 800 milyong tao sa buong daigdig, at ipinakikita ng nasabing pagtitipon ang kahalagahan at kabigatan ng pandaigdig na pagbabawas ng kahirapan. Ipinalalagay din nilang dapat isagawa ng mga bansang mababa ang kita ang inklusibong reporma sa agrikultura at kanayunan.
Sa kanya namang talumpati sa talakayan, isinalaysay ni Li Fugen, Pangalawang Direktor ng China Internet News Center, na para pasulungin ang pagbabahagi ng mga karanasan sa pagbabawas ng kahirapan, ginawa ng pamahalaang Tsino, kasama ng World Bank at Asian Development Bank, ang isang website, kung saan isinasalaysay ang mga konkretong kaso ng pagbabawas ng kahirapan ng Tsina at ibang bansa. Aniya, sa pamamagitan ng mga kasong ito, inilalahad ang iba't ibang paraan ng pagbabawas ng kahirapan, para mas mabuting matutunan ng mga bansa ang karanasan mula sa mga ito.
Ang aktibidad na ito ay nasa pagtataguyod ng Italian Agency for Development Cooperation, United Nations Food and Agriculture Organization, United Nations International Fund for Agricultural Development, at International Poverty Reduction Center ng Tsina.
Salin: Liu Kai
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |